Isinapot na Sinta
Kapag umiibig ang isang tao, makikita niya ang kanyang iniibig na parang isang diyosa, isang ideyal. Sa totoo'y iniuutos lamang siya ng kanyang mga likas na ugali na maghanap ng asawa upang magkaroon ng anak para ipagpatuloy ang kanyang linya.
Bakit kaya di pinapakita ng mga Fairy Tale at Love Story ang nangyayari pagkatapos ng kasal?
Kapag nakuntento na ang primal instinct na iyan, nawawala ang tabing ng pagka-ideyal. Makikita na niya ang tunay na sarili ng kanyang "diyosa" at mawawalan siya ng interes. Dahil nito, maghahanap nanaman siya ng iba pang babaeng pwedeng gawin niyang ideyal sa kanyang isipan.
Kung ganito lamang ang pag-ibig, ano na ang pagkaiba natin sa mga hayop, na nakikipagtalik kung kailan gusto nila at kung kanino man.
Ang tunay na pag-ibig ay ang karunungang makita ang totoong sarili ng iyong kasintahan, at tanggapin ito ng walang pag-aatubili. At gamit nito, hanapin mo ang taong hinirang ng Maykapal para sa iyo.
1 Comments:
Basahin ang http://nobelangatisan.blogspot.com/2012/06/checklist-bago-ipasa-ang-blog-entry.html at isaalang-alang lalo na ang una at ikatlong tanong sa mga susunod na isusulat.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home